Philippine Air Force, ipagpapatuloy ang WPS patrol sa gitna ng ‘no trespass’ rule ng China

Patuloy na babantayan ng Philippine Air Force (PAF) ang West Philippine Sea habang sinimulan na ng China ang pag-detain sa mga inilalarawan nilang “foreign trespassers.”

Ayon kay PAF spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, ang pagsasagawa ng maritime patrols sa teritoryo ng Pilipinas at ang mga feature sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) nito ay likas sa mga tungkulin ng air force ng bansa.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Maalaalng nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi pipigilan o matatakot ang Pilipinas sa naturang panuntunan.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Hinimok din ng PCG ang mga mangingisdang Pilipino na ipagpatuloy ang pangingisda sa karagatan sa kabila ng banta ng China.