Permanenteng relokasyon ng mga pamilyang naninirahan sa 6km PDZ ng Bulkang Mayon, minamadali na

LEGAZPI CITY – Minamadali na ang paglalaan ng permanenteng relokasyon para sa mga pamilyang nakatira pa rin sa loob six kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon.

Ayon sa APSEMO, sa ginanap na pulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nito lamang nakaraang linggo, halos tapos na rin umano ang pre-implementation phase, at site development para sa mga lote na na-aydentipikang pagtayuan ng matitibay na housing units.

Inihayag din na ng isang housing unit umano ay nagkakahalaga ng aabot sa P250,000 hanggang P500,000 kuny saan handa na rin umano ito sa ano mang bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *