China, naglagay ng harang sa Scarborough Shoal

Namataan ang 300 metro na floating barrier ang Chinese Coast Guard (CCG) sa timog-silangang bahagi ng Scarborough Shoal, na pumipigil sa mga Pilipinong mangigngisda na makapasok sa area.

Nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na sakay ng BRP Datu Bankaw ang lumulutang na hadlang sa maritime patrol.

Sa isang press briefing, iginiit ng spokesperson ng West Philippine Sea na si Jay Tarriela na isa itong navigational hazard, na may mga maliliit na boya na nagpapanitiling nakalutang sa dagat.

Kasunod nito ang 15 radio challenges na isinagawa ng CCG-3105 vessel para itaboy ang BFAR vessel at mga fishing boats ng Pilipinas.

Senate President Zubiri: Barriers, dapat putulin

Nanawagan naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa PGC na agarang alisin at putulin ang isang floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard =.

Binigyang-diin rng senador na walang karapatan ang China na maglagay ng anumang istruktura sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sa huli, pinasalamatan naman nito ang PCG sa walang sawang pagprotekta sa loob ng EEZ ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *