Caloocan City Mayor Malapitan, tutulungan ang pamilya ng 3 taong gulang na nahulog sa isang drainage hole

Nangako si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na tutulungan ang pamilya ng tatlong taong gulang na batang lalaki na namatay matapos umanong mahulog sa isang butas na konektado sa drainage sa Caloocan City.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon sa pamahalaang lungsod, mamimigay ng tulong pinansyal ang alklade para sa burol at libing ng biktima.

Inatasan ni Malapitan ang mga kinauukulang departamento ng lungsod na alamin din ang iba pang pangangailangan ng pamilya para sa posibleng tulong.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kabilang na rito ang counseling sa mga naiwang pamilya, kasunod ng pagkamatay ng bata.