Tiniyak ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. na manageable pa rin ang hospitalization ng mga COVID-19 patients.
Sinabi ni PHAPI President Dr. Joe Rene de Grano na hindi na kasi grabe ang mga nararanasang simtomas ng mga tinatamaan ng COVID kaya mas pinipili na ng marami na magpagaling sa kanilang bahay.
Nilinaw naman ni de Grano na dapat ay gumanda na sa loob ng isang linggo ang pakiramdam ng sinumang tinamaan ng COVID lalo na kung bakunado ang mga ito.
Sa kabila nito, nababahala ang PHAPI na mas mataas ang tsansa na maging severe at kritikal ang mga senior citizen at mga immunocompromized.
Base kasi sa datus, mas mabilis na makahawa ang bagong subvariants ng Omicron kung saan tiyak aniya na kahit na isa lang ang carrier sa isang pagtitipon ay posibleng mahawa ang lahat ng dumalo.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#