80 OFWs, nagpositibo sa COVID-19 sa Macau

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers Secretary Toots Ople na aabot sa 80 mga overseas Filipino workers ang nagpositibo o ‘di kaya’y na-expose sa COVID-19 sa Macau.

Ito ang iniulat ng DMW matapos ang muling pagsipa ng mga COVID-19 cases doon.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Tinatayang aabot din sa higit 5,000 na mga OFWs sa hotel and gaming industries ang maaapektuhan ng ipinatupad na suspension order sa Macau.

Sa ilalim kasi nito ipatutupad ang ‘No Pay Leave’ policy pati na ang isang linggong work suspension dahil sa nararanasang surge.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Tiniyak naman ni Ople na patuloy ang pakikipagugnayan ng consul general sa Macau para maipaabot ang concerns hingigl sa labor policy na kasalukuyang ipinaiiral doon.
#