Suportado ni Senate Committee on Energy chairman Win Gatchalian ang appointment ni Raphael Perpetuo Lotilla bilang bagong Energy Secretary.
Ayon kay Gatchalian sa loob ng anim na taon bilang head ng Committee on Energy ilang beses na niyang naka-trabaho at kumonsulta kay Lotilla sa usapin ng enerhiya.
Marami na din umanong napatunayan si Lotilla na mayroon itong legal at technical knowledge upang tugunan ang problema sa energy sector at tiyakin ang energy security sa bansa.
Para kay Gatchalian maituturing na good choice ang pag-appoint ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa naturang opisyal dahil sa hindi matatawarang integredad nito.
Kumpiyansa din ang senador na itataguyod ng bagong kalihim na magkaroon ng mas murang electricity rates, stable power supply at mas malinis na kinabukasan.
#