Agad na masusubukan ang Philippine women’s national football team laban sa isa sa mga top teams sa mundo.
Ito ay dahil, makakaharap ng national team ang world no. 18 South Korea sa semifinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup.

Ayon kay goalkeeper Olivia McDaniel, ang kanilang goal ay hindi talaga manalo sa tournament, sa halip ay makapasok sa qualifying match at makwalipika sa World Cup.
Sa gitna nito, inamin ni McDaniel na excited rin siya na makalaro ang South Korea sa parehong playing field laban kay South Korea’s Ji So Yun.
Samantala, para naman kay Sarina Bolden, ang kanilang South Korea game ay benchmark para makaharap ang higher-ranked teams.