PH, wala pang nade-detect na Lambda variant; Mahigpit na border protocol patuloy na ipatutupad

Wala pa umanong nade-detect na Lambda strain ng coronavirus sa Pilipinas. 

Ang Lambda strain ay kinukumpara ngayon ng mga eksperto sa Delta variant pagdating sa transmissibility.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, alam na ng Department of Health (DOH) ang tungkol sa Lambda mutation na unang na-detect sa Peru noong December 2020.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Aniya, batay sa World Health Organization (WHO), ang Lambda strain ay isang ‘variant of interest’ na may katangiang katulad ng sa Delta variant.

Dagdag ni Vergeire, wala pang mga pag-aaral na nagpapakitang nagdudulot ng mas malalang infection ang Lambda variant sa kabila ng pinaniniwalaang kasing transmissible ito ng DElta at Alpha o UK variants.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Sinabi ng opisyal na gaya ng ibang COVID-19 variant, kailangan ng mahigpit na border control para maiwasang makapasok ang Lambda strain sa bansa. 

Mababatid na sa ngayon, 30 bansa ang nakapagtala ng kaso ng bagong strain ng COVID-19.