PH, wala nang bagong order ng COVID vaccine doses

Inihayag ng gobyerno na wala nang pending na order ngayon ang Pilipinas para sa COVID-19 vaccine doses, sa gitna na patuloy ang pag-aaral ng pamahalaan sa kanilang inventory.

Ang pahayag ng Department of Health (DOH) ay kasunod ng panawagan ng isang senador na itigil na ng gobyerno ang pag-order ng mga doses dahil sa umano’y oversupply na nito.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Binigyang diin ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagsasagawa ang gobyerno ng review sa suplay at demand ng mga bakuna.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Nilinaw rin nito na ang mga bakuna na nakatakdang dumating sa bansa sa mga susunod na linggo ay donasyon mula sa ibang mga bansa.

Una nang sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose “Joey” Concepcion III na may 27 million doses ang nakatakdang mag-expire sa Hulyo kung hindi magagamit. //MHEL PACIA-TRINIDAD