‘Chikiting Bakunation Days’ sa 880k sanggol para sa routine immunization

Target ng Department of Health na mabakunahan ang nasa 880,000 o 80 percent ng 1.1 million na mga sanggol may edad 1 hanggang 12 buwan na hindi pa nakakompleto ang kanilang routine immunization noong 2021.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang naturang inisyatibo na tinaguriang “Chikiting Bakunation Days,” ay isasagawa sa huling Huwebes at Biyernes ng mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa gitna nito, hinikayat ng DOH ang mga magulang na tangkilikin ang naturang programa upang matiyak na ligtas ang mga bata mula sa iba’t-ibang sakit kagaya ng polio, measles, tuberculosis at iba pa.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Dagdag ni Vergeire, nagkukumahog rin ang kanilang ahensya sa pagbabakuna dahil 46 percent palang ng mga sanggol sa bansa ang nabakunahan sa routine immunization noong nakaraang taon. //MHEL PACIA-TRINIDAD