COVID cases nationwide nag-plateau -DOH

Inihayag ng Department of Health na nagplateau ang mga kaso ng COVID-19 sa buong bans .

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagtala ang bansa ng kabuoang 2,499 na mga bagong kaso ng COVID-19 mula March 31 hanggang April 6, o average na 357 na bagong infections bawat araw.

Paliwanag nito Vergeire, pagsinabi umano nag-plateau ay ibig sabihin tumigil ang pagbaba o napanatili sa naturang level.

Dagdag pa nito na posibleng umabot sa plateau ang COVID-19 cases dahil ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 bawat araw, ay umabot na sa minimum.

Binigyang diin pa ng opisyal na kung ang infections ay umabot na sa plateau, ang kaso ay maaring lalo pang bababa o tataas, kaya mahalaga umano na mahikayat ang pagbaba ng bilang ng mga kaso sa pamamagitan ng mahigpit na pag-obserba sa health protocols at pagpapabakuna.