BICOL—Sa gitna ng kaabalahan ng mga Bicolano sa pagdaan ng Bagyong Jolina kahapon ay nakapagtalang muli ng mataas na kaso ng COVID-19 ang rehiyon.
Umabot sa 244 ang bagong kaso kung kaya sumampa na sa 27,151 ang kabuuang kaso ng sakit. Lumobo rin sa 5441 o 20.04% ang aktibong kaso nito.
Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang Camarines Sur na umabot sa 149 kung saan 50 nito ay mula sa Naga City, 19 sa bayan ng Goa, tig-16 ang Calabanga at Ragay, siyam sa Cabusao, pito sa Pasacao, anim sa Iriga City, tiglima ang Bombon at Pamplona, apat sa Sipocot, tigdalawa ang Balatan at Pili at tig-iisa ang Bato, Buhi, Libmanan, Lupi, Minalabac, Nabua, San Jose at Tinambac.
44 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 20 nito ay mula sa Sorsogon City, pito sa Donsol, anim sa Gubat, lima sa Bulan, tatlo sa Juban at tig-iisa ang Barcelona, Casiguran at Magallanes.
42 naman ang bagong kaso sa Albay kung saan siyam nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, walo sa Daraga, anim sa Ligao City, tig-apat ang Pio Duran at Polangui, tatlo sa Guinobatan, tigdalawa ang Camalig at Tiwi at tig-iisa ang Bacacay, Libon, Manito at Tabaco City.
Limang kaso naman ang nadagdag sa Camarines Norte kung saan tigdalawa ang bayan ng Mercedes at Paracale at isa sa bayan ng Daet.
Apat na kaso naman ang naitala sa Masbate kung saan tatlo ang mula sa Masbate City at isa sa bayan ng Mobo.
Samantala, pumalo na sa 20,741 ang total recoveries matapos madagdagan ng 143 kung saan 50 nito ay mula sa Camarines Sur, 37 sa Sorsogon, 31 sa Naga City, tig- 12 ang Camarines Norte at Catanduanes at isa sa Masbate.
Walo ang nadagdag sa mga nasawi kung saan tatlo ang mula sa Albay at Sorsogon at tig-isa ang Masbate at lungsod ng Legazpi kaya pumalo na sa 969 ang death toll ng COVID-19 sa Bicol region.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang #BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm