PH, posibleng makakuha ng hanggang $284M mula sa IOPC re: Oriental Mindoro oil spill

Inihayag ng Department of Justice na maaring nasa 203 million Special Drawing Rights (SDRs) o $284 million (P15.8 billion) ang maaring makuha mula sa International Oil Pollution Compensation (IOPC) Funds para sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon kay (DOJ) Undersecretary Raul Vasquez, na ang mga claimants ng pondo ay ang mga naapektuhan ang buhayan ng oil spill, kabilang na ang mga ahensya ng gobyerno.

Read More:  Chinese MSR vessel and maritime militia spotted in Kalayaan Island Group

Batay sa website ng International Monetary Fund (IMF), ang SDR ang kabuoang halaga sa US dollars batay sa market exchange rates sa pagitan ng major currencies gaya ng Euro, Japanese yen, at iba pa.

Read More:  Lawyers of EJK Victims hope change in Duterte’s legal team will not delay ICC proceedings

Dagdag ng IMF na ang SDR currency value ay binibilang araw-araw.

Sinabi naman ni Vasquez na ang Department of Environment and Natural Resources, Philippine Coast Guard, at ang Office of Civil Defense ay magkakaroon ng “inter-agency determination” para malaman kung magkano ang claim na mapupunta sa gobyerno. //MHEL PACIA-TRINIDAD