Pabalik-balik na brownout, naranasan muli sa Quezon, Palawan

Nakaranas na naman ng pabalik-balik na brownout ang munisipyo ng Quezon, Palawan ngayong araw ng Miyerkoles.

Ayon sa Paleco Sattelite Office, nagkaroon ng mababang boltahe ng kuryente kaya nagkaroon ng Loadshedding dahilan ng patay-sinding ilaw simula kaninang umaga.

Read More:  244 foreigners arrested in Zamboanga Sibugay POGO raids

Nakakonekta umano ang supply ng kuryente ng munisipyo sa lungsod ng Puerto Princesa kung kayat nakaranas kaninang umaga ng mababang suplay ng kuryente.

Nagkaroon na rin ng ilang mga mahabang brownouts sa ilang mga barangay sa munisipyo bago pa man mawalan buong recloser nito kaninang tanghali.

Read More:  409 more cops deployed in Bacolod as security for MassKara Festival tightens

Samantala, dahil dito ay muling nag-alburoto ang mga konsyumer at pinangangambahan nilang maka-apekto ito sa susunod na billing ng kuryente.