DSWD, nakapamahagi na ng nasa P119M financial aid sa 24K pamilyang apektado ng masamang panahon

Ibinahagi ng Department of  Social Welfare and Development na nakapamahagi na sila ng nasa P119 million na halaga ng financial assistance sa 24,455 mga pamilya na apektado ng malakas na mga pag-ulan sa Regions 5, 8 at 10.

Maliban dito, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, na nakapagbigay narin ang kanilang ahensya ng P50.245 million na halaga ng family food packs, hygiene kits, at tents sa mga apektadong pamilya.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon sa opisyal, may sapat na suplay ng mga food packs ang DSWD sa 76,518 boxes na naka-imbak sa warehouse sa Pasay City at 21,806 standby food packs sa Visayas Disaster Resource Center.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag ni Lopez, mayroong 65 evacuation centers sa Regions 5, 9, 10 at CARAGA.