PH Navy, ina-assess ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng Chinese vessels sa Iroquois reef

Kasalukuyang ina-assess ng Philippine Navy ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng Chinese vessels sa Iroquois or Rosul reef.

Batay sa September 3 hanggang 9 monitoring ng Navy nasa 59 Chinese Maritime Militia Vessels ang namataan sa Iroquois reef.

Mas mataas ito sa 36 na mga barko ng China noong August 27 hanggang September 2 monitoring.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Maaalalang , nauna nang nabahala ang pamahalaan sa mga natagpuang sira-sirang bahura sa Iroquois Reef na dulot ng pinaghihinalaang massive harvesting.

Samantala, halos palibutan pa rin ng CMMV ang Escoda o Sabina shoal.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon kay Navy spokesperon for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang pagdami ng Chinese vessels ay dahil sa dagdag na atensyong ibinibigay ng Pilipinas sa lugar matapos ang sunod-sunod na insidente na kinasasangkutan ng mga barko ng China at ang natagpuang mga patay na corals doon.