Inamin ng aktres na si Jessy Mendiola na muntik na silang maghiwalay noon ng kanyang asawang na si Luis Manzona.
Ayon kay Mendiola, bagong kasal pa lang sila noon nang magkaroon sila ng matinding pagtatalo tungkol sa mga kaibigan ni Luis na hindi nagustuhan ni Jessy.

Sinabi ni Mendiola na napansin umano niya na may masamang intensiyon ang ilan sa mga kaibigan ni Luis kaya’t sinabi niya ang kanyang kutob sa kanyang mister.
Ngunit imbes na paniwalaan at panigan siya ay mas nanaig sa asawa ang pinagsamahan nila ng kaibigan kaya ito ang naging dahilan ng kanilang pagtatalo.
Sa isip umano ni Mendiola na hindi pa handa si Luis na bumuo ng sariling pamilya dahil hindi pa siya nito kayang piliin, unahin, at ipagtanggol.