PH Navy at mga Pilipinong mangingisda – pumalag sa China

Pumalag ang Philippine Navy at grupo ng mga mangingisdang Pilipino sa mga akusasyon ng China na ang Pilipinas ang nanggugulo at sumisira sa Scarborough Shoal.

Kasunod ito ng report na inilabas ng China Global Television network, na inaapi umano ng mga Pilipinong mangingisda ang mga Chinese na mangingisda sa Scarborough Shoal, nilalason din aniya ng mga Pilipino ang mga isda, at gumagamit ng electric devices para sa panghuhuli ng mga isda.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Ayon sa grupong Pamalakaya, isang malaking kasinungalingan ang mga pahayag ng China laban sa Pilipinas dahil walang kapasidad ang mga mangingisdang Pilipino para gawin ang naturang paratang. Giit naman ng Philippine Navy ang report ng CGTN ay mapanlinlang para palabasin na lumalabag sa International Law ang mga Pilipinong mangingisda dahil ang lahat ng aksyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay suportado ng domestic at international law.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration