Inihain sa Senado ni Senadora Risa Hontiveros ang isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang napaulat na infant-trafficking syndicate sa Cambodia na nag-recruit ng 20 babaeng Pilipino.
Kasunod ito ng pumutok na balitang pag-rescue ng Cambodian police sa mga ito na di umano’y gagamitin sana bilang surrogate mothers.
Kung saan, labingtatlong rito ay kasalukuyang buntis dahil sa artificial mean at humaharap sa human trafficking related charges sa Cambodian Kandal Provincial Court, habang ang natitirang pito ay pina-expel na mula sa Cambodia.
Sinasabi namang halos sa online na-recruit ang mga ito at itinuturing ng Department of Foreign Affairs na bago itong porma ng human trafficking scheme upang targetin ang mga Pilipino.
DOJ, NAKATUTOK NA RIN SA TRAFFICKING
Binabantayan na rin ng Department of Justice (DOJ) ang mga sindikato na naghihikayat sa mga Pilipina na maging surrogate mother sa ibang bansa.
Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, nakarating na sa DOJ at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mga ulat ng mga insidente mula Oktubre 2023.
Sinabi ni Remulla, ito ay tinitingnan bilang modern slavery at exploitation.
Samantala, sa ilalim naman ng batas ng Pilipinas, ang anumang recruitment o pagbiyahe ng tao sa pamamagitan ng pamimilit, dahas, at panloloko ay itinuturing na human trafficking.