PH, nakapagtala ng 21,411 new COVID-19 infections; active cases nasa 181,951 na

Nakapagtala ang bansa ng 21,411 bagong COVID-19 infections dahilan para pumalo ang total case count sa 2,227,367.

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 181,951 ang active cases sa bansa. Sa bilang na ito, 86 percent ang mild, 9.5 percent ang asymptomatic, 2.59 percent ang moderate, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video
Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Umabot naman na sa 2,010,271 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 2,010,271 pang pasyente.

Samantala, nasa 35,145 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 168 bagong fatalities.