PH, nagtala ng pinakamababang active COVID cases mula noong Enero

Nagtala ang Pilipinas ng pinakamababang active COVID-19 cases simula noong Enerno sa 30,527.

Kahapon (April 8) napaulat ng bansa ang 290 na mga bagong infections, dahilan para tumaas pa ang nationwide caseload sa 3,680,802.

Sa gitna nito, nangunguna parin mula sa mga rehiyon na may mataas na bilang sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region sa 1,426, sinundan ng Region 4A sa 512 at Region 3 sa 375.

Tumaas rin ang bilang ng kabuoang gumaling mula sa naturang sakit 3,590,615, habang ang death toll ay pumalo pa sa 59,660.

Sa latest bulletin ng DOH, nasa 16.1% ang hospital bed occupancy sa bansa, kung saan 5,273 ang okupado, habang 27,430 pa ang bakante. //MHEL PACIA-TRINIDAD