Isinailalim ng Pilipinas ang mas marami pang lugar sa bansa sa COVID-19 Alert Level 1, mula April 9 hanggang 15.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ang karagdagang mga lugar ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Kabilang sa mga areas na ito ay ang Mountain Province; Southern Leyte; Misamis Oriental; Buguias sa Benguet; Atimonan at Tiaong sa Quezon province; Santa Magdalena sa Sorsogon; City of Masbate sa Masbate province; Batad at Zarraga sa Iloilo at Talisay sa Cebu.

Pasok rin sa listahan ang Javier (Bugho) at La Paz sa Leyte; Maslog sa Eastern Samar; Paranas sa Western Samar; Linamon sa Lanao del Norte; Calamba sa Misamis Occidental; Padada sa Davao del Sur; Sibagat sa Agusan del Sur Tubajon at Cagdianao sa Dinagat Islands.
Matatandaan na ang Metro Manila ang nauna nang isinailalim sa naturang alerto ay mananatili hanggang sa April 15. //MHEL PACIA-TRINIDAD