Naitala ng Pilipinas ang pinakamababang bilang ng COVID-19 infections, simula noong July 2020 matapos maiulat ng Department of Health ang 425 lang na mga bagong kaso.
Kaugnay nito, tumaas ang total tally sa 2,832,734, kung saan 15,800 pa ang active cases.
Mula naman sa kasalukuyang may sakit, 7.5% ang mild, 5.3% ang asymptomatic, 16% ang severe, at 6.8% ang nasa kritikal na kondisyon.
Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa dalawang laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos.
Nabatid na ito na ang pang ika-pitong sunod-sunod na araw na nagtala ang bansa ng hindi aabot sa 1,000 na daily COVID-19 cases.

Samantala, tumaas naman ang kabuoang recoveries sa 2,768,389, matapos gumaling ang 909 pang pasyente mula sa viral disease, habang umakyat ang death toll sa 48,545 dahil sa 44 na mga bagong fatalities. //MHEL PACIA-TRINIDAD