PDP-Laban Cusi, suportado ang pag-atras ni Go mula sa prexy race

“He did it for a good reason and the party stands by him.”

Ito ang pahayag ni PDP-Laban president at Energy Secretary Alfonso Cusi, matapos na ianunsyo ng kanilang standard bearer na si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, ang withdraw mula sa 2022 presidential race.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang senador ay naghain ng kanyang kandidatura sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan dahil sa hindi pa maresolbang sigalot sa pagitan ng dalawang paksyon ng partido.

Pagkumpirma ni Cusi, nag-usap muna ang mga opisyal ng partido at si Go, bago isagawa ang desisyon.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa ngayon na wala na silang standard bearer, sinabi ni Cusi na magpapatawag silang ng pulong para sa “process of evaluation” at ang kanilang magiging sunod na hakbang. //MHEL PACIA-TRINIDAD