Miss Universe PH, ibinunyag na ang top 50 bets para sa 2022 pageant

Ipinakilala na ng Miss Universe Philippines ang kanilang top 50 candidates para sa 2022 edition, kabilang na ang mga experienced queens, na maaring maging pambato ng bansa sa Miss Universe pageant.

Ayon sa Miss Universe Philippines (MUPH) organization, ito ay paliit nang paliit hanggang sa makaabot sa final 30 delegates, bagama’t hindi na ibinunyag kung kailan iaanunsyo ang roster.

Kabilang sa mga pamilyar na pangalan na pasok sa top 50 ay sina Miss World Philippines 2019 Michelle Dee, Miss Earth Philippines Celeste Cortesi at Miss Universe Philippines 2020 third runner-up Pauline Amelinckx.

Ang mga delegado ngayong taon sa Miss Universe Philippines pageant ay umaasang makakasunod sa yapak ni reigning Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez, na nagtapos sa kanyang journey sa 70th Miss Universe bilang top 5.