PH, nagtala ng 3,643 new COVID-19 infections, active cases sa 35,271

Iniulat ng Pilipinas ang karagdagang 3,643 na mga bagong kaso ng COVID-19.

Ang mga bagong kaso ang nagdala sa active cases sa 35,271, at ang kabuoang caseload ay 3,855,804 na.

Sa gitna nito, tumaas rin ang recoveries sa 3,759,176, habang ang deaths toll ay 61,357 na.

Samantala, nananatili ang National Capital Region (NCR) sa may maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 14,128, sinundan ng Calabarzon sa 8,441, at Central Luzon sa 4,785.

Sa ngayon, ang bed occupancy ng bansa ay nasa 28.9% na katumbas sa 20,494 vacant beds kabilang na ang 2,873 na intensive case unit (ICU), at 25,966 non-ICU beds. //MHEL PACIA-TRINIDAD