FDA, bumuo ng TF para gawing commercially available ang mga COVID vaxx

Inilunsad ni Food and Drug Administration Director General Dr. Samuel Zacate ang task force na magbibigay daan para maging commercially available ang COVID-19 vaccines.

Ang Taskforce Edward, na kapangalan ni British physician Dr. Edward Jenner na kilala sa kanyang trabaho sa immunization, ay naglalayong gawing ligtas at mas epektibo ang COVID-19 vaccines, at mas maging accessible sa mga tao.

Ayon kay Zacate, na ang pagkakaroon ng task force ay magbabawas sa approval at evaluation ng COVID-19 vaccines.

Una nito, naglabas ang gobyerno ng emergency use authorizations (EUA) para sa COVID-19 vaccines at ang mga gamot ay subject sa ilang kondisyon.

Pero dahil sa Taskforce Edward, ang mga maaprubahang COVID-19 vaccines ay bibigyan ng Certificate of Product Registration (CPR).

Ang naturang mga bakuna ay magiging available sa FDA-licensed drug establishments. // MHEL PACIA-TRINIDAD