Aabot lang sa 205 ang karagdagang COVID-19 infections na naitala sa buong bansa, batay sa datos mula sa Department of Health (DOH) COVID-19 tracker.
Kaugnay nito, lumalabas rin na bumaba ang COVID-19 infections sa 26,256, habang ang kabuoang kumpirmadong kaso ay nasa 3,681,851 sa buong bansa.
Kabilang naman sa datos ay ang 3,595,817 total recoveries at 59,778 deaths.

Samantala, ang bagong infections ay bahagyang mababa kumpara sa average number ng COVID-19 cases na natala mula April 4 hanggang 10 sa 272 per day o kabuoang 1,906 recorded infections. //MHEL PACIA-TRINIDAD