PH, nagtala ng 16,044 bagong COVID-19 cases; Active infections, nasa 125,900

Nagtala ng 16,044 bagong COVID-19 infections ang bansa ngayong araw, dahilan para umabot na sa 1,839,635 ang total cases. 

Ito ang ikatlong sunod na araw kung saan mahigit 16,000 cases ang naitala.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Ayon sa DOH, dahil dito, pumalo na sa 125,900 ang active cases kung saan 93.8 percent nito ay mild, 3.4 percent ang asymptomatic, 1.2 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Umakyat naman na sa 1,681,925 ang recovery count matapos na maka-rekober ang 13,952 pasyente mula sa sakit. 

Tumaas naman sa 31,810 ang death toll matapos masawi ang 215 pang pasyente.