Nagtala ang Pilipinas ng 12,159 na mga bagong kaso ng COVID-19 infections, dahilan para sumipa ang total tally sa 2,666,562, sa kabila na bigong magsumite ang dalawang laboratoryo ng kanilang datos, on time.
Ayon sa Department of Health, dahil sa mga bagong kaso, ang kabuoang bilang ng active cases sa bansa ay tumaas pa sa 90,927, kung saan 72.2% ang mild, 16.2% ang asymptomatic, 3.4% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, tumaas naman ang total recoveries sa 2,536,011, matapos na gumaling ang 27,727 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang ang death toll ay umakyat sa 39,624 dahil sa 119 na mga bagong fatalities.

Samantala, batay sa datos ng DOH, lumalabas na 70% ng intensive care unit beds sa bansa ay utilized, habang 50% ng mechanical ventilators ay gamit rin.
Sa Metro Manila, 69% ng ICU beds ay gamit, habang 51% ng ventilators ay utilized. //MHEL PACIA-TRINIDAD