Nakapagtala ng 11,085 bagong COVID-19 infections ang bansa ngayong araw dahilan para pumalo na ang total cases sa 1,776,495.
Ayon sa DOH, dahil sa bagong naitalang infections, umabot na sa 105,151, ang active COVID-19 cases sa bansa kung saan 96 percent ang mild, 1 percent ang asymptomatic, 1.3 percent ang severe, at 0.7 percent ang nasa critical condition.
Umakyat naman na ang total recovery count sa 1,640,721 matapos na gumaling ang 11,628 pasyente mula sa sakit.

Pumalo naman na ang death toll sa 30,623 kung saan 161 ang naitalang bagong fatalities.
Dagdag ng DOH, ang mababang case count ay dahil sa mababang laboratory output noong Lunes.
Lumabas din sa datos na 68 percent ng intensive care unit beds sa bansa ang gamit na, habang 53 percent ng mechanical ventilators ang okupado na rin.