Nagtala lang ang Department of Health ng 356 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ang total tally sa 2,835,345.
Ito na ang pinakamababang daily number ng mga kaso na naitala simula noong July 2, 2020.
Dahil naman sa mga bagong infections, ang active case count sa bansa ay nasa 13,026 pa, kung saan 5,314 ang mild, 899 ang asymptomatic, 2,326 ang severe, at 587 ang nasa kritikal na kondisyon.
Sa gitna nito, umakyat rin ang total recoveries sa 2,772,728, dahil sa 871 pang pasyente na gumaling mula sa viral disease, habang ang death toll ay sumipa sa 49,591, matapos maitala ang 92 na mga bagong fatalities.

Samantala, batay sa huling datos ng DOH, lumalabas na 26% ng intensive care unit beds sa bansa ang utilized, habang 14% ng mechanical ventilators rin ang kasalukuyang ginagamit. //MHEL PACIA-TRINIDAD