Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagbuo ng technical working group na magre-review sa body-worn camera guidelines ng Supreme Court, at bawasan ito ng kanilang umiiral na police rules.
Kaugnay nito, ikinagalak naman ni Eleazar ang pagsuporta ng SC sa PNP para sa legal framework.
Dahil dito, mas magiging “operationalize” ang PNP at mapapalakas ang kanilang “human rights-based approach sa pagsasagawa ng operasyon.
Ayon kay Eleazar, na sa panig ng PNP, tinitiyak umano nila na ang panuntunan na pinaghirapan at pinaglaanan ng mahabang oras ng mga mahistrado ay isa sa magiging instrumento upang maging normal ang konsepto ng transparency at accountability sa isip at sa gawa ng bawat miyembro ng kapulisan.
Una nang sinabi ng PNP chief na ang pag-gamit ng body cameras ay makakatulong na maiwasan ang pang-aabuso sa parehong panig ng police at sa publiko. // MHEL PACIA-TRINIDAD