PH FDA, binigyan na ng EUA ang Sinopharm’s COVID-19 vaccine

Binigyan na ng Philippine Food and Drug Administration ng emergency use authorization ang COVID-19 vaccine na binuo ng Chinese firm Sinopharm. 

Una nang nagbigay ang World Health Organization ng otorisasyon para sa emergency use ang Sinopharm vaccine ng China, kung saan ito ang pang-anim na bakuna na nakakuha ng WHO validation for safety, efficacy at quality.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhamon Ghebreyesus, panibagong bakuna na maaaring mabili ng COVAX ang Sinopharm para makapagbigay ng pantay na global access sa COVID-19 vaccines.

Nauna nang nabigayn ng emergency use authorization ng WHO ang mga bakunang gawa ng Pfizer/BioNTech, AstraZeneca-SK Bio, Serum Institute of India, Janssen at Moderna.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Matatandaan na kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte na nabakunahan gamit ang China’s Sinopharm, noong wala pa itong EUA mula sa FDA, at sinundan ni chief legal counsel Salvador Panelo. // MHEL PACIA-TRINIDAD