Kulelat pa rin ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg sa kabila nang pinalakas na programa at vaccination para labanan ang pandemic.
Napanatili ng Pilipinas ang ika-50 puwesto nito sa ikalawang magkasunod na pagkakataon sa listahan ng 53 bansa kung saan sinukat at pinagbatayan ang pagtugon sa pinakahuling banta ng coronavirus.

Sa kabila nito umabante naman ang bansa mula sa mga pinakakulelat sa listahan na hawak na ngayon ng Pakistan.
Bagama’t wala na sa ibabang listahan ng Bloomberg, hindi pa rin umano maganda ang response perception ng bansa sa gitna ng low testing capacities,long lockdowns, pagluluwag sa mga border controls at pag-shift ng ekonomiya sa normalcy.
Samantala, ang United Arab Emirates ay nananatiling No. 1 na resiliency ranking, dahil sa mataas na Vaccine Doses Administered, magandang Vaccinated Travel Routes, mababang COVID-19 case count sa nakalipas na buwan, at mababang mortality rate.