Marcos, ikinokonsidera ang pagtatayo ng mid-rise, high-rise na condo para sa social housing

Ikinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ng kanyang administrasyon ang konsepto ng pagbibigay ng housing units para sa mga mahihirap sa bansa, upang maka-adapt sa iba’t-ibang pagsubok.

Sa kanyang talumpati sa turnover ceremony ng 30,000 housing units sa Naic, Cavite, sinabi ni Marcos na maari nilang i-explore ang pagtatayo ng mid-rise hanggang high-rise condominiums, dahil sa kakulangan ng mga available na lupa, lalo na sa mga urban areas.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Binigyang diin ng pangulo na titiyakin ng gobyerno na makapagbigay ng housing units sa mga ideal na lokasyon gaya sa mga malalapit sa mga paaralan at palengke, o posibleng isang oras lang ang layo mula sa mga workplaces.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Hiniling din ng punong ehekutibo sa mga local government units at sa private sector na tiyakin na ang mga benepisyaryo ng housing units ay ligtas at mabibigyan ng lahat ng kanilang kinakailangan.

Samantala, binanggit din ni Marcos ang pangako ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na magtatayo ng isang milyong bahay kada taon. //MHEL PACIA