PGA, pinamamadali na ang pagtayo ng water storage facilities sa evacuation centers sa Albay

LEGAZPI CITY – Pinamamadali na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang pagpapatayo ng mga water storage facility sa mga evacuation centers sa lalawigan.

Dahil dito, humihiling ang tanggapan sa International Organization for Migration (IOM) sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) na magkaroon ng mga water storage facility sa mga evacuation centers.

Ang IOM ay nakatutok sa Water Sanitation and Hygiene (WASH), ang nasabing organisasyon ay kasalukuyang nasa lalawigan ngayon para tumulong sa mga pamilyang apektado ng pag-alburoto ng bulkang Mayon.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon naman kay PHO Sanitary Engr. William G. Sabater, dapat uimano ay malagyan nan g mga water facility sa mga ECs sa lalong medaling panahon.

Kailangan umanong malagyan ng mga tangke ang mga ECs para mapag-imbakan ng tubig mula sa mga delivery trucks para matuldukan ang problema sa kakulangan ng suplay ng tubig na isa sa sa mga pangunahing kailangan ng mga evacuees ngayon.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sinabi pa ni Sabater na kung maaari nga raw ay madaliin na ang pagpapatayo ng naturang mga water facility.

Ang hiling na ito ay maliban pa sa Septic tank dislodging na kanilang hiniling mula sa grupo para masulusyionan ang problema sa mga baradong mga CR sa mga EEcs.

Sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng PGS ang posibleng pagbili ng truck na maaring maggamit sa ganitong sitwasyon na bahagi ng Health Risk Mitigation Project o Septage Management Project ng lalawigan.