PGA, nais isulong ang muling pagbuhay sa mga bantay dagat sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Nais isulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) ang muling pagbuhay o pag-activate sa mga bantay-dagat para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa sektor ng pangisdaan sa lalawigan ng Albay.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng ginanap na distribusyon ng tulong panghanap-buhay sa isang libong (1,000) mangingisda sa Albay kung saan binigyang diin dito ang pagbibigay importansya sa mga tubig dagat sa nasabing lalawigan.

Ito ay kasunod rin ng mga namo-monitor na mga illegal, at dynamite fishing sa bayan ng Manito, at islang-bayan ng Rapu-Rapu. Dahil dito, planong isulong ng pamahalaang panlalawigan ang pag-activate muli ng mga coastal rangers, para masiguro na walang sinuman, mula sa labas ng lalawigan, ang maaaring gumamit ng mga municipal waters sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *