CDRMMO-Koronadal, pina-iingat ang publiko ngayong tag-ulan

KORONADAL CITY – MAGING ‘Extra Alerto’ ngayong tag-ulan.

Ito ang panawagan ni City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO Officer Cyrus Jose Urbano ng Koronadal sa lahat ng mga mamamayan sa lungsod kasabay sa ito sa inaasahang pagtama ng La Nina sa bansa.

Read More:  Army discovers alleged NPA ammunition stockpile in Masbate

Ayon kay Urbano, nasa 55% ang probability ng La Nina base sa projection ng PAG-ASA kung saan ito ay posibleng tatagal ng hanggang anim na buwan.

Kaugnay nito, kanila ng tinipon ang mga barangay sa pangunguna ng Liga ng mga Barangay na dapat maging handa sa lahat ng oras. Dagdag ni Urbano, mauuna dapat ang barangay na magpapaalam sa publiko sa mga bagay na kanilang gagawin sa oras ng pag-ulan.

Read More:  Newly graduated man shot outside Pantukan school in Davao de Oro

Samantala, natukoy naman umano ang mga evacuation sa bawat barangay kung saan mahigpit na ipinapatupad ang pre-emtive evacuation.