Pfizer nagpakita ng mababang immunity sa mga batang may edad 2-5 years old

Kinumpirma ng Pfizer na hindi nagpakita ng inaasahang immunity sa mga batang nasa edad 2 hanggang 5 ang ginawang trials ng kanilang bakuna.

Dahil dito, nagpasya ang kompanya na magdagdag sa third dose para sa mga batang nasa edad anim na buwan hanggang limang taon matapos ma-review ng independent outside advisers.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Base sa pag-aaral, hindi nakapag-produce ng inaasahang immunity sa 2 hanggang 5 years old ang dalawang child-sized doses ng Pfizer/BioNtech vaccine bagamat mayroon ito sa mga babies hanggang dalawang taon.

Una nang binawasan ng Pfizer ang dosage size para sa mga bata kung saan mula sa 30 micrograms ng bakuna pababa sa 10 micrograms para sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa mga unang tests, ang mababang dose ay sapat nang mag-produce ng strong immune response sa mga bata nang minimal ang peligro ng side effects.