Ilang negosyo sa UK nagsara dahil sa banta ng Omicron variant

Muli na namang nagsasara ang maraming negosyo sa United Kingdom dahil sa paglaganap ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa report, ang pagsasara ng maraming negosyo ay kusa at hindi dahil sa government instructions.

Ipinaliwanag ng maraming restaurants at iba pang venue na napilitan din silang magsara nang mas maaga sa pasko dahil sa maraming kanselasyon ng mga reservations at concern sa kalusugan ng mga staffers.

Read More:  France warns of 300,000 potentially unsafe or substandard condoms

Aminado din ang maraming restaurant owners na naaapektuhan ang morale ng mga staff dahil sa mga pangyayari.

Dahil naman sa mga pinakahuling development, napilitang bumalik agad ng UK ni Finance Minister Rishi Sunak na nasa America.

Read More:  15 injured, over 300 houses damaged after tornado hits Southern France

Una nang nagbabala sa mga tao ang Chief ng Medical Officer ng England na si Chris Whitty na huwag munang makihalubilo sa ibang tao kung hindi din lang kinakailangan para maiwasang mahawa ng tumataas na namang mga kaso ng COVID-19.