Petitions vs BBM, binasura ng SC

Tuluyan nang binasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na layong ipa-disqualify ang kandidatura ni President-elect Bongbong Marcos – dalawang araw bago ang pormal nitong panunumpa.

Sa botong 13 – 0, unanimous na pinayagan ng Kataastaasang Hukuman ang pag-upo ni Marcos bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ang rulling ay aprubado ni Supreme Court Justice Rodil Zalameda.

Nag-inhibit naman sina Justices Henry Paul Inting at Antonio Kho.

Matatandaang si Kho ay dating commissioner sa COMELEC; habang si Inting ay kapatid ng kasalukuyang acting chairman ng poll body na si Socorro Inting.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Inihain ang petisyon sa ng mga civic leaders sa pangunguna nina Fr. Christian Buenafe, at nire-represent ni dating SC spokesperson Atty. Theodore Te.

Mayroon ding hiwalay na petisyon mula naman sa mga martial law victims sa pangunguna ni Bonifacio Ilagan.
#