CJ Gesmundo, tinanggap ang alok na mag-administer sa panunumpa ni Marcos sa Huwebes

Tinanggap na ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang alok ng kampo ni President-elect Bongbong Marcos na ito ang mag-administer ng kanyang panunumpa.

Kinumpirma ni Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Kieth Hosaka na si CJ Gesmundo ang mag-aadminister ng oath taking ni Marcos.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Bago ito, una nang sinabi ng kampo ni Marcos na magiging payak, simple, at tradisyunal ang kanyang inaugural address.

Ayon kay Franz Imperial, namumuno sa preperation commitee ni Marcos, hindi sila lilihis sa tradisyon para sa panunumpa ng 17th President sa National Museum.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Hindi rin umano ito magte-teleprompter.

Samantala, abangan naman ang nationwide coverage ng buong puwersa ng Brigada Philippines sa June 30. Maririnig sa lahat ng himpilan ng Brigada NewsFM Nationwide, at simulcast sa lahat ng ating live streaming platforms via Facebook, YouTube, and website – BrigadaNews.PH.
#