BSKE candidates na magbabayad ng permit to campaign sa mga makakaliwang grupo, binalaan ng PNP

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine National Police ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na magbabayad ng permit to campaign sa mga makakaliwang grupo.

Ito’y kasunod ng pag arangkada ng campaign period ngayong araw.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., naka monitor sila sa mga kandidato na lalabag sa mga itinatadhana ng Omnibus Election Code kabilang na ang permit to campaign bilang ang PNP naman ay deputized agency ng Commission on Elections o COMELEC

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Bukod dito, tinututukan din ng PNP ang bilihan ng boto bilang bahagi naman ng binuong Task Force Kontra Bigay katuwang ng COMELEC, kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council o AMLC.