NAGA CITY – “Maaaring ikamatay ng isang pasyente ang sakit na pertussis kung mapabayaan.”Ito ang binigyang diin ni Dr. Ronnel Mejaro, City Health Epi-de-miology.Aniya, hindi pangkariniwang sakit ang pertussis, ito ay bakteryang nagpapahirap ng paghinga o pwersadong pag-ubo sa respiratory ng isang biktimang mayroon nito lalo na kadalasan mga sanggol ang tinatamaan. Bagamat wala pang kaso sa lungsod ng naturang sakit at nagagamot ito, naghahanda pa rin ang opisina upang maiwasan ito, at maging gamot para rito sinigurado.Kaya maliban sa panawagan sa mga magulang na sakali mang may sintomas na ang mga anak kaagad na ipatingin sa malapit na Health Center o Doktor bilang interbensyon at higit sa lahat regular na ipabakuna ang mga bata lalo na’t dahil sa mababa at mahinang naitalang nagpapabakuna o immunization, isa sa nakikitang dahilan ng pagkakaroon ng kaso ng pertussis sa bansa.
Samantala, 49 na ang namatay dahil sa sakit at nasa 862 na ang kaso ng pertussis sa bansa.