Pediatric vaccination sa PRMMH simula na ngayong araw

Nagsisimula na ngayong araw ang vaccination team ng Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital ng pagbabakuna sa mga edad labindalawang taong gulang hanggang labing pitong taong gulang.

Ito ay para lamang muna sa mga kabataan sa lalawigan ng Zambales na mayroong comorbidities o karamdaman.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay Nurse Gretelyn Enriquez, Immunization Program Coordinator, mayroon nang inihandang lugar sa PRMMH para sa pagbabakuna sa mga ito.

Tumatanggap ng walk-in na mayroong mga comorbidities, kinakailangan lamang dala ang clearance mula sa doctor na pwedeng bakunahan at may consent ng magulang.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang pagbabakuna sa mga kabataan ay gagawin lamang sa mga pagamutan hindi tulad sa ibang priority group na sa mga vaccination site.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'MAXAN Kanthone Mangos 911 MAXAN COFFEE MY HERO Shop now! Lazada'