PDL na tinangka tumakas, patay matapos tumalon sa Buntun Bridge

Patay ang isang tumakas na Person Deprived of Liberty (PDL) matapos siyang tumalon sa Buntun Bridge na sakop ng Maddarulog, Solana, Cagayan noong hapon ng August 2, 2021.

Kinilala ang nasawi na si Jomar Lagoc, 27 anyos at tubong Brgy. Piggatan, Alcala, Cagayan.

Ayon kay PCapt. Samuel Lopez, hepe ng Solana Police Station, galing si Lagoc kasama ang iba pang inmates at kapulisan sa Prosecutor’s Office para isailalim sa inquest proceedings.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kinakaharap ng suspek ang patung-patong na kaso matapos mahuli noong August 1 dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo at masamsaman pa ng baril, patalim at dried marijuana leaves sa naturang bayan.

Pabalik na umano noon ang mga ito sa piitan subalit hindi napansin ng mga Police escort na nakalas ni Lagoc ang posas nito at habang nasa daan ay naipit sa trapiko ang mobile kung saan dito ay nakakita ng pagkakataong makatakas ang suspek.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Matapos nito ay tumalon umano si Lagoc sa naturang tulay at tumama ang ulo nito sa mga bato.

Dinala pa siya sa pagamutan si Lagoc subalit idineklarang patay na ng kaniyang attending physician.