Sunod-sunod na patayan sa Libon, Albay “alarming” na-PNP

LEGAZPI-Alarming na umano ang sunod sunod na patayan at insidente ng pamamaril sa bayan ng Libon sa Albay nitogn taon.

Ito ang ibinahaging pahayag ni Libon Mayor Das Maronilla maging ng PNP.

Ayon sa alkalde, dahil sa pangyayari ay matindi na ang ginagawang paghihigpit at tilanagigi nang ghost barangay ito dahil sa nagsialisan na ang mga tao dahil sa Concepcion Criminal Group at iba pang grupo.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Maging umano ang PNP Libon ang naaalarma na rin kung kayatnananawagan na ito sa mga kapitan, mga barangay kagawad na dapat maging cooperative na ito sa mga ganitong bagay.

Mayroon naman umanong signal ng cellphone, at dapat mag-report para maresolbahan ang problema.

Kung matatandaan, isa na naman na panibagong pamamaril ang naitala sa Libtong, ng bayan na kung saan, biktima rito ang isang 67-taong na barangay kapitan na kinilalang si Albino Dela Rama.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Nanonood lamang umano ng telebisyon si dela rama ng sugurin ng suspek at barilin ng 3 beses.

Nagtamo siya ng sugat sa kanang pisngi at balikat mula sa di pa matukoy na uri ng baril.

Dinala na ito sa Rural Health Unit si Dela Rama para sa first aid bago inilipat ng kaanak sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa bayan ng Daraga.