PCSO Camarines Sur , inasahan ang pagdagdag ng mananaya matapos tumama ang tumaya sa Naga City

NAGA CITY- Sinuwerte ang mananaya sa Naga City matapos na tamaan ang Mega Lotto 6/45 jackpot na PHP15.8 million.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang winning combination ay 06-15-37-11-35-33. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCSO Camarines Sur Branch Manager Jobet Ramos, sinabing nabili ang ticket sa may civic center. Inaasahan nila na madaragdagan ang mananaya roon o di kaya sa iba pang outlet sa lungsod. Kung maraming mananaya, mas maganda para sa budget sa charity services.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution
Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) , ang sobra sa P10, 000.00 ay subject na sa 20% tax, ibig sabihin otomatikong ibabawas ang buwis sa napalalunan.